top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga maghaharap sa 2022 Presidential Elections, nagkakaalaman na

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2019
1 min read

LUMUTANG na sa pagkandidato bilang pangulo si Tito Sen sa 2022 Presidential Elections.

Paano na ang BFF niyang si Sen. Ping Lacson?

*** PRESIDENTIAL timber din siyempre si Senate topnotcher Cynthia Villar.

At siyempre, gayundin, si Bongbong Marcos!

*** MALINAW na dumarami na ang karibal ni Mayor Sara.

Nag-aabang din ng pag-endorse si Sen. Manny Pacquiao!

*** DAHIL naging mayor ng Pasig, hindi na muna raw iibig si Vico Sotto.

Eh, bakit, malas ba ang mga bebot?

*** PINAUUWI na sa Maynila ang mga diplomat mula sa Canada.

Paano na ang mga nag-Canadian citizen na mga Pinoy?

*** NATALO si ex-budget Secretary 'Butch' Abad bilang kongresista sa Batanes.

Saan dinala ang badyet?

*** NAGWAGI naman si ex-DOH Secretary Janette Garin bilang kongresista sa Iloilo.

Dengvaxia pa more!

*** KAHIT tapos na ang eleksiyon, nag-aaway pa rin ang mag-utol na dating senador na sina JV at Jinggoy.

Dapat tinulungan na lang nila si Janella sa San Juan imbes na kumandidatong senador.

Magiging kasabihan ngayon ang pamilya ni Erap tuwing halalan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page