top of page
Pokwang.jpg

Mga kapalpakan noong halalan, paki-explain!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2019
1 min read

DEPEKTIBONG Secure Digital (SD) cards, kulang na markers at palpak na Vote Counting Machines (VCMs), ilan lamang ito sa mga aberyang nangyari noong halalan.

Dahil dito, ilang grupo ang nagprotesta sa harapan ng Philippine International Convention Center (PICC) kung saan pinangungunahan ng Commission on Elections (Comelec) ang canvassing ng mga boto.

Kinalampag ng mga grupong Silent Majority, Makabayan at iba pa ang Comelec upang ilantad at ipaliwanag ang sanhi ng ilang aberya noong halalan, partikular sa pitong oras na delay ng transmission ng partial at unofficial tally mula sa transparency server.

Sang-ayon ang mga grupo sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wala munang dapat maganap na proklamasyon.

Matatandaang, matapos magsara ng botohan noong Lunes, una at huling naglabas ng datos ang transparency server bandang alas-6:00 ng gabi at matapos ang pitong oras ay saka lamang ito naglabas ng resulta.

Ayon sa Comelec, wala pa silang imbitasyon sa mga nanalong kandidato ngunit, nagpaabot sila ng abiso sa ilan sa mga ito bilang paghahanda.

Nararapat lamang na magpaliwanag ang Comelec hinggil sa mga nangyaring aberya noong halalan.

Karapatan itong malaman ng mga kapwa nating Pilipino upang mapatunayang hindi nasayang ang kanilang boto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page