Make sure na paiiralin ninyo ang disiplina, sis/bro! | TIPS SA WAIS NA PAGGAMIT NG KURYENTE
- DONNABELLS
- May 19, 2019
- 2 min read

NAGULAT ka ba dahil dumoble ang bill ng inyong kuryente? Hays, relate much, beshy! Wala, eh, ganu’n talaga, lalo na ngayong sobrang init ng panahon kung saan maghapon nakabukas ang aircon, gayundin, ang ilaw sa banyo dahil maya’t maya ang paliligo. Dagdag pa rito, dahil sa teknolohiya, halos lahat ng miyembro ng pamilya ay nagtsa-charge na malaki rin ang nakokonsumo sa kuryente. Kaya alamin natin ang 5 tipid tips para rito:
1. SAVE ON CLOTHES. Iwasan ang sobrang paggamit ng damit dahil ang tendency nito bundok na labada ang inyong lalabhan sa pamamagitan ng washing machine na isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang inyong kuryente. Kung alam nating malinis pa ang jacket o pantalon na ating isinuot, maaari pa itong ulitin. Copy?
2. TURN-OFF UNNECESSARY LIGHTS. Ito ang isa sa mga bagay na dehins natin maiwasang gawin, ‘yung tipong nakabukas na ‘yung ilaw sa sala, tapos nakabukas pa ‘yung ilaw sa kusina at banyo. Tataas talaga ang kuryente ninyo niyan! He-he-he!
3. UNPLUG UNUSED ELECTRONICS. Especially sa mga kabataan na bara-bara sa pagtsa-charge kung saan kahit hindi na ginagamit, eh, nakasaksak pa rin. Kaya, kung gusto talaga ninyong makatipid sa kuryente, make sure na ia-unplug ninyo ‘yan, mga beshy!
4. USE NATURAL LIGHT. Sa umaga, mainam kung bubuksan ang bintana nang sa gayun ay makasagap kayo ng liwanag mula sa sinag ng araw upang hindi na ninyo kailanganin pang magbukas ng ilaw.
5. RECYLE OR DONATE YOUR OLD TV. Pinaniniwalaang ang mga modelong TV noon ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng mataas na pagkonsumo ng kuryente, kaya kung may pera kayo, bumili na kayo ng brand new kaysa magtiis sa luma. Okie?
Oh, ayan, siguro sa mga tip na ito, eh, susunod kayo kahit papaano. Minsan, mapahuhugot na lang talaga tayo, “buti pa ‘yung kuryente nagmamahal, pero ‘yung crush ko, hindi”. Ha-ha-ha!





Comments