HITTING SPREE VS EUGENE ONEGIN
- Ding Taboy
- May 19, 2019
- 2 min read

TITIKADA ngayon ang 2019 Philracom “4 Year Old & Above Open Stakes Race” at Philracom-Rating Base Handicapping System (RBHS) sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa Race 1, masasaksihan ang 1st Winner Take All (WTA) na paglalabanan ng 13 kalahok at pinapaboran ang Broadway, Blue Orchild, Amelia at couple entry na Tequila Princess at Quiet Whisperer.
Isama ang couple entry na Mama Pls. Don’t Cry, Latest Model, Unlimited Song at Damong Ligaw sa Quartet, Pentafecta at Super Six. Nakalalamang ang Kingship kontra sa Belle Royale, Haring Bastos, Cinderella Kid at Beacon Street sa Race 2.
Pinapaboran ang Derham Park, habang panegundo ang Can You Giub at puwedeng isama sa Quartet at Pentafecta ang Winning Move at Boy Paradise sa simula ng 2nd WTA event.
Sa race 4, aarangkada ang 2019 Philracom “4 Year Old & Above Open Stakes Race” na paglalabanan ng mga kalahok na pangungunahan nina Certain To Win, couple entry na Eugene Onegin, Sooner Time, Hitting Spree, Pangalusian Island at Tap Dance na simula ng 1St pick 5 event.
Ipinapatok ang Clear Talk habang makakalaban ang Don’t Underestimate, Hidden Eagle at Happy Maggie sa pagsisimula ng 3rd WTA sa Race 5. Sa Race 6, magaganap ang laban sa 3 Year Old and Above Maiden Race at nakalalamang ang Masada, Ravel, Rhea Choice at Ka Emon sa 2nd Pick 6 event.
Pinapaboran ang Kissing Bandit, Tempus Fugit, Marahuyo, High Ranks at Corte English sa Race 7. Ipinapatok ang Princess Eowyn habang magsisilbing kalaban ang Song of Songs, Batang Annala at Heiress of Hope sa Race 8 ng Pick 4 event.
Nakalalamang ang Fight For Love at Susie Cat habang panegundo ang Crixus at Laughing Tiger sa Race 9. Habang labanan ang magaganap sa Race 10 sa pagitan ng mga kalahok na Tellmamailbelate, Ace Grant, Mother Secret at Couple entry na Picacho at Boundary.
Magsisilbing paratingan ang mga kalahok na Hayley Margarette, Rafa at Ashea’s Will sa Race 11.
Tip Ni Mang Ding Race 1-Broadway (7) Entry No1 Blue Orchid (6) Race 2- Haring Bastos (7) Kingship (1) Race 3-Derham Park (6) Can You Giub (3) Race 4-Hitting Spree (3) Entry No.2 Race 5- Clear Talk (2) Don’t Underestimate (7) Entry No.4 Race 6- Masada (4) Ravel (2) Race 7- Kissing Bandit (4) Marahuyo (11) Race 8- Princess Eowyn (6) Song Of Songs (5) Race 9- Entry No.6 Light and Shade (3) Race 10 –Tellmamailbelate (3) Mother Secret (6) Race 11- Hayley Margarette (1) Rafa (2) Ashea’s Will (6).





Comments