Eastern Samar, iba pang lugar sa bansa niyanig

NARANASAN ang pagyanig sa ilang lugar sa bansa kabilang ang Magnitude 3.9 na lindol sa San Julian, Eastern Samar.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 28 kilometro ng bayan ng San Julian alas-12:38 ng tanghali at may lalim na 14 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa San Juilan at Maydolong, Eastern Samar; Intensity III sa Balangiga, Eastern Samar at Intensity II sa Tacloban City at San Miguel, Leyte.
Batay naman sa instrumental intensities, naitala ang Intensity IV sa Borongan City at Intensity II sa Palo, Leyte.
Naitala naman ang Magnitude 4.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental alas-12:58 ng hatinggabi at may lalim na 58 kilometro.
Wala namang naiulat na pinsala at wala na ring inaasahang aftershocks sa nasabing mga lindol.





Comments