top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dinukot sa Libya | 3 PINOY CIVIL ENGINEERS, LAYA NA

Gina Pleñago
May 19, 2019
1 min read

IKINAGALAK ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapalaya sa tatlong Pinoy Civil Engineers makaraang kidnapin ng armadong grupo sa site ng Great Man-Made River Project sa Southern part ng Libya noong 2018.

Hindi muna pinangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatlong inhinyero.

Nagpasalamat ang DFA sa naging ayuda ng United Arab Emirates, Libya, South Korea at iba pang mga kaalyadong bansa na namuno upang mapalaya ang mga biktima kasama ang kanilang Korean colleague.

Walang petsang ibinigay ang DFA kung kailan pinalaya ang mga biktima ng kanilang mga kidnapper.

Inihahanda na ng DFA ang pagbabalik sa bansa ng mga biktima upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa report, dinukot ang tatlong Pinoy kasama ang ilang Koreano noong Hulyo 2018 sa kanilang project site na nasasakupan ng Southern part ng Libya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page