top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dawn, nagsalita na… KALAT NA: GIRLTRENDS, MGA DOM ANG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

TOTOONG nagbawas ng miyembro ang GirlTrends dance group na ngayon ay GT na ang tawag.

Mula sa 20 miyembro ay naging pito na lang ang female group at ito ay ikinalulungkot ng pinaka-lead dancer na si Dawn Chang.

Aminado rin ang dancer na napag-iisipan sila ng masama ng mga netizens. Kesyo may mga benefactors daw sila o mga DOM ang karelasyon. Wala naman daw silang magagawa kung ‘yun ang isipin sa kanila dahil sila ay mga sexy dancers. Pero pina­bulaanan naman ito ng kanyang mga kasamahan.

May boyfriend si Dawn, ang actor na si Justin Cuyugan. Bali­tang nagsasama na ang dalawa. Walang kumpirmasyon mula sa GT dancer o pagdi-deny.

Sabi lang niya, pinag-uusa­pan naman daw nila ang pag­papa­kasal. Hindi raw sila nag­mama­dali dahil pinaghahan­daan nilang mabuti ang kani­lang kinabu­kasan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page