top of page
Pokwang.jpg

WARRIORS, 2-0 NA BLAZERS BOKYA PA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2019
2 min read

NAKAPAGPASA si Draymond Green kay Kevon Looney at saka idiniretso nito sa isang go-ahead hoop sa natitirang 52.9 segundo sa orasan kasunod ng pag-asiste ni Stephen Curry ng isang layup sa natitirang 40 segundo at makaraan ay ibinigay na sa Golden State Warriors ang panalo kontra Portland Trail Blazers sa bisa ng 114-111, para sa 2-0 lead ng NBA Western Conference Finals.

Uusad ang susunod na Games 3 at 4 ng best-of-seven sa Portland sa Sabado at Linggo. Hindi pa rin naglalaro si Warriors standout Kevin Durant sa dalawang sunod na semis games dahil na rin sa ‘strained right calf’ at baka sa Game 5 pa ito makalarga sa Oakland.

Matapos ang pag-trangko sa 17 puntos sa 3rd quarter at 8 sa natitirang 4:28 minuto, umiskor ang top-seeded Wariors ng 14 sa final 17 puntos ng game at walisin ang opening ng dalawang sunod na laro kontra sa third-seeded club ng West.

Ang pasa ni Green kay Looney ay nangyari matapos na itarak ni Seth Curry ng Portland ang 111-110 marka mula sa tres puntos sa nalalabing 1:02 minuto.

Makaraan ang nagmintis na tirada ni CJ McCollum na pakay makaresbak sa hoop ni Looney, ang pasa ni Stephen Curry sa huli kay Green para sa tres puntos ang nagpalamang sa GSW sa 12.3 segundong nalalabi. Dahil kailangan ng tres puntos para makapatas, pinasahan ni Damian Lillard si Andre Iguodala na desperado namang bumato ng 28-foot attempt pero nagmintis kung kaya ang Golden State ang nagwagi.

Nakagawa si Stephen Curry ng 37 puntos para pamunuan ang Warriors na isang beses lang natalo sa huling 11 playoff games kontra Portland. Bumasket si Klay Thompson ng 24, may 16 si Green, si Looney ay nakagawa ng 14 at may 11 si Jordan Bell para sa Golden State. May 10 rebounds si Green, 7 assists at 5 blocks para sa panalo.

Nasayang naman ang 23 puntos ni Lillard, 10-assists double-double para sa Trail Blazers. Tumapos na may 22 puntos si McCollum, may 16 si Seth Curry, may tig-12 puntos sina Maurice Harkless at Rodney Hood para sa Portland. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page