Tserman niratrat, utas

DEDO ang barangay chairman matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Bgy. Mangilag Norte, Candelaria, Quezon.
Alas-5:20 ng hapon, sakay ng kanyang motorsiklo si Ricardo de Chavez, 52, residente ng nasabing lugar nang sumulpot sa kanyang tagiliran ang mga suspek na sakay ng motorsiklo. Agad siyang binaril nang malapitan bago nagsitakas ang mga salarin.
Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. .45 at 12 basyo naman mula sa cal.9mm.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung may kinalaman sa katatapos na eleksiyon ang pagpatay sa biktima.





Comments