top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pamilya Marcos, buwenas sa numero 7

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2019
2 min read

NAGPOPROTESTA ang Tindig Pilipinas sa pagkakabokya ng Otso Diretso.

Pwes, mag-sitdown strike sila!

◘◘◘

KINAKANTIYAWAN sila ng brodkaster na si Ka Popo na pakanta-kanta pa sila ng “Bayan Ko” at pataas-taas pa ng “L” sign o “Laban” sign.

Natalo raw sila dahil nahalata ng mga botante na fans lang sila ng Pamilya Aquino kahit kakaunti lang ang nakakulay dilaw!

◘◘◘

ANG mga nagagalit sa resulta ng 2019 Midterm Elections ay mga kilalang “Socdem”.

Purnada sila na maisiksik sa Magic 12 ang mga Atenistang sina Bam Aquino at Mar Roxas.

Bawi na lang kayo sa 2022!

◘◘◘

TULAD sa ating binanggit sa kolum, maglalaro si Gov. Imee sa ika-6 hanggang ika-8 puwesto.

Nasa ika-7 puwesto siya mula sa ika-8 puwesto.

Pero, puwede pa itong umangat sa ika-6 na puwesto sakaling mabilang ang overseas voting!

◘◘◘

NANG maupo si Bongbong Marcos sa Senado noong 2010, ika-7 ang puwesto niya sa Magic 12.

Maaaring d’yan din mapuwesto si Gov. Imee.

No.7 ang buwenas ng Pamilya Marcos!

◘◘◘

ALAM ba ninyong sa pagpasok nina Gov.Imee at ex-MMDA Chairman Francis Tolentino sa Magic 12, magkaroon ng tatlong ex-KB officers sa Senado?

Makakasama nila ang dating KB City Federation President ng Iriga City na si Sen. Leila de Lima!

◘◘◘

SI Gov. Imee ay honorary national chairman ng Kabataang Barangay, samantalang, si Tolentino ay dating KB City federation president ng Tagaytay City.

Kung kumandidatong senador si dating Presidential candidate Gibo Teodoro, malamang, apat ang KB officers sa Senado dahil siya ang Tarlac Provincial Federation President at Region 3 Regional KB federation president!

◘◘◘

SA pagpasok ng 3 KB officers sa Senado, maaari nang simulan ang diskusyon sa ideolohiyang Filipino na dapat maging pundasyon at esensiya ng bagong Konstitusyon.

Ang kawalan ng ideolohiya ang siyang ugat ng dispalinghadong pamahalaan at bulok na lipunan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page