top of page
Heart Evangelista.jpg

MPBL, OKS NA SA FIL-FOREIGN PLAYERS, MAY NEW TEAMS AT GUIDELINES NEXT SEASON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 2 min read

MAYROONG ilang malaking pagbabago sa next season ng Maharlika Pilipinas Basketball League dahil may ipatutupad na bagong guidelines habang ang mga bagong teams ay lalahok na rin sa pinalakas na regional amateur basketball league sa bansa.

Simula sa Hunyo 12, ang bawat team ay puwede nang kumuha ng dalawang Fil-Foreign players at isasama na sila sa 20-man roster (15 to play). Ang mga Fil-Foreign players na ito ay hindi dapat lalampas sa 6-foot-4 ang height limit. Aprubado na kay Senador Manny Pacquiao, ang MPBL founder at chief executive officer ang ideya ng pagkakaroon ng dagdag na Fil-foreign players dahil na rin sa demand ng ilang member quads.

Gayunman, niliwanag ni League commissioner Kenneth Duremdes na ang mga Fil-foreign player ay hindi maglalaro nang sabay. “Only one Fil-foreign player at a time,” ayon kay Duremdes, at idinagdag din na ang liga ay inaprubahan na ang aplikasyon ng Mindoro upang maging pinakahuling expansion squad.

Ang mga kinatawan mula Mindoro sa pamumuno ni Justin Tan, miyembro ng La Salle Greenhills coaching staff sa NCAA ay nakapulong si Pacquiao sa isang team owners’ meeting sa Century Park Hotel. Naroon din sa attendance ang isa pang aspirant mula Iloilo, isa sa dalawang bidders ng siyudad na kinatawan ni Norman Ramos.Hinihintay pa ng Senador ang Iloilo mula na rin sa report ni Ramos mula sa magiging desisyon ng Uygongco Family, ang principal owner.

Pinakabagong team din ang Mindoro kasunod ng Bicol at Nueva Ecija, naghihintay pa ang liga sa Mandaluyong franchise na may bagong owners at iba pang bidder ng Iloilo franchise.

Nagbigay din ang Senador sa teams ng opsiyon na dagdagan ang bilang ng ex-pros mula lima hanggang pitong players, pero niliwanag na tanging 5 lang ang makalalaro sa game. Ibig sabihin bawat team ay puwedeng magdagdag ng hanggang 20-22 na players pero 15 lang ang puwedeng lumaro kada game. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page