top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mocha, tablado sa milyun-milyong followers?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 2 min read

MOCHA, IBINASURA NG KAN­YANG MGA FOLLOWER — Ma­lakas ang loob noon ni ex-PCOO Asec. Mocha Uson na kumandidato bilang first nominee sa ilalim ng partylist na AA-Kasosyo dahil ang ipinagmama­laki niya ay mayroon daw siyang 5 milyon followers sa Facebook, pero nang matapos ang bilangan ng boto ay talo siya dahil nakakuha lamang siya ng mahigit 170K boto.

Dahil d’yan, ang pinapangarap ni Mocha ay hindi na nagkaroon ng ka­tuparan at dahil talo, lumalabas nga­yon na walang bilib sa kanya ang mahigit 5 million followers niya sa Facebook kasi ibinasura siya sa kata­tapos lamang na halalan, saklap!

◘◘◘

KUNG SINO PA ANG MGA KU­LELAT SA ELEKSIYON, SILA PA ANG NAGSASABING DINAYA RAW SILA — Karamihan sa mga kan­didato ng Otso Diretso ay tinanggap na ang kanilang pagkatalo sa pagka-senador, pero ang mga kulelat sa se­na­torial race tulad nina Glenn Chong at Larry Gadon, hindi matanggap ang ka­nilang pagkatalo kasi hanggang nga­yon ay dakdak sila nang dakdak na dinaya raw sila.

Hay naku, kung sino pa ang kulelat sa botohan, sila pa ang may ganang magreklamo, mga buwisit!

◘◘◘

PANGAKO NG MGA NANA­LONG KANDIDATO, TUPARIN —Halos naiproklama na ang karamihan sa mga nanalong kandidato sa lokal na posisyon sa nakalipas na 2019 Midterm Elections.

Sa mga nanalo, sana ay tuparin ninyo ang inyong mga ipinangako sa publiko noong panahon ng kampanya.

Huwag ninyong paasahin ang ma­mamayan sa mga magagandang salita na dahilan ng inyong pagkapanalo.

Tantanan na sana ninyo ang ugaling trapo (traditional politician), ‘yung ti­pong kung anu-ano ang ipinapangako ninyo sa mga botante para lang iboto kayo at kapag nanalo ay napapako naman ang inyong mga pangako, period!

◘◘◘

KAGANDANG BABAE NI FDA CHIEF NELA CHARADE PUNO, KORUP PALA! — Sinibak ni P-Du­terte sa puwesto si Food and Drugs Authority (FDA) Chief Nela Charade Puno dahil sangkot daw ito sa korup­siyon.

Ganu’n, aba, kagandang babae ni Nela, ‘yun pala korup siya? Buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page