top of page

Kahit bagay na bagay daw… SANYA, ATRAS MAG-DARNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

MAGPA-PILOT na lang ang bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig, kinukumbinse pa rin si Sanya Lopez na mag-audition para sa pelikulang Darna ng Star Cinema.

Lalo pang kinumbinse si Sanya na mag-audition nang mapanood ang video niya para sa Bench Body na pa­rang nagba-boxing siya.

Bagay daw kay Sanya ang lumipad na Darna at sumigaw ng “Ding, ang bato!” kaya mag-audition na siya.

Hindi sinasagot ni Sanya ang mga comments tungkol sa Darna dahil malabo naman talagang mag-audition siya lalo’t may exclusive contract siya sa GMA Artist Center at bawal sa kontrata niya ang tumawid sa kabi­lang network.

May love scene at bed scene sina Sanya at Benjamin Alves at may pa-abs sina Benjamin at Pancho Magno na ikatutuwa ng mga babae at becki viewers ng Dahil sa Pag-ibig.

Three months tatakbo ang serye, kaya wala talagang Sanya na mag-o-audition sa Darna.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page