top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ilang kandidato na sangkot sa iligal na droga, wagi!

Ryan B. Sison
May 18, 2019
1 min read

BAGAMA’T, nakasama sa listahan ng narco-politicians, wagi pa rin ang 25 kandidato sa nagdaang 2019 Midterm Elections.

Sinabi ni Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na ang mga pulitiko na nanalo ay mula sa CALABARZON, ARMM at Central Luzon.

Nakadidismaya, dahil alam nating inilabas ang narcolist para malaman ng mamamayan kung sinu-sino ang mga dapat at hindi dapat iboto, pero hindi pa rin natauhan ang mga botante.

Gayunman, parang pag-ibig lang ‘yan dahil hindi natin sila puwedeng turuan sa pagpili ng gusto nilang kandidato, ‘yun nga lang, sa huli ay mukhang si­sihan na naman.

Pero, sa totoo lang, dahil sa resultang ito, lumalabas na wala ring saysay ang paglalabas ng mga pangalan ng mga kandidatong sangkot sa iligal na droga dahil karamihan sa kanila ay ibinoto pa rin ng taumbayan sa kabila ng hindi magandang reputasyon at maling nagawa sa nakaraan.

Kaya sa panahon na magrereklamo tayo, isipin natin na tayo rin ang pumili sa mga ‘yan para maupo sa puwesto.

Samantala, ipagdasal nalang natin na sana ay tuluyan na silang magbago at tanging paglilingkod sa bayan at ma­mamayan ang kanilang prayoridad.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page