top of page

Iba't ibang sanhi ng pagkahilo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 59 years old at dating mananahi. Ilang linggo na akong nakararamdam ng pagkahilo, lalo na kapag iginagalaw ko ang aking ulo. Okay naman ang aking pres­yon dahil nagpa-BP ako sa aking pamang­kin, ano ang posibleng sanhi nito? — Aurora

Sagot

Bagama’t, iba’t iba ang mga posibleng dahilan ng pagkahilo, kadalasan ay hindi naman ito delikado.

Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo:

  • Problema sa mga mata — kung malabo na ang iyong mga mata, puwede kang mahilo sa pagbabasa. Kung mada­las ang paggamit ng computer, posible rin itong dahilan ng pagka­hilo. Dapat ipahinga ang mga mata at tumingin sa malayo para ma-relax ito. Makabubuti rin kung magpagawa ng salamin o baguhin ang grado ng salamin.

  • Problema sa mga tainga — isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang sakit sa mga tainga. Nasa mga tainga natin ang vestibular system kung saan nagmumula ang pakiramdam natin sa balanse at paggalaw. Kung may dumi o im­pek­siyon ang mga tainga, puwede itong magdulot ng matinding pagkahilo (vertigo).

Ang gamot dito ay ang meclizine 25 mg tablets (dizitab o bona­mine). Ang ganitong hilo ay tumatagal ng isang buwan bago humupa.

  • Presyon ng dugo — kung high blood ang pasyente, puwede si­yang mahilo at manakit ang kanyang batok. Kung ang pasyente naman ay low blood, anemic at maputla, puwede rin siyang mahilo. Dapat ang blood pressure natin ay nasa pagitan ng 140/90 ang pinakamataas at 90/60 ang pinakama­baba.

  • Nerbiyos — ang mga nerbiyosong tao ay madalas din mahilo. Kapag kinakabahan, natatakot o nakasaksi ng aksidente o kahindik-hindik na pangyayari, malaki ang posibilidad na mahilo ang pasyente. Ang tawag dito ay panic attack o nerbiyos. Kaila­ngan nilang magkaroon ng sapat na pahinga at uminom ng gamot-pampakalma tulad ng lexotan 1.5 mg tablet ngunit, tandaan na kailangan ng reseta ng doktor bago makabili nito sa botika.

  • Kulang sa oxygen — madalas mahilo o mahimatay ang pas­yente sa mataong lugar tulad ng Simbahan, palengke, mall at iba pa. Madalas itong dulot ng matinding init ng pana­hon at dami ng tao. Kailangan lang mag­pahinga, magpahangin at madali ring maibalik ang mabuting kondis­yon ng pasyente.

Gayundin, mayro­ong mga seryosong dahilan ang pagkahilo ng pas­yente tulad ng stroke at tumor sa utak. Ang stroke ay nagdudulot sa pasyente ng matinding pagkahilo na may kasamang panghihina ng ilang parte ng kata­wan, samantala, ang tumor sa utak ay naka­pagdudulot ng pagka­hilo na may kasamang ma­tinding pagsakit ng ulo.

Gayunman, makabu­buti kung babantayan natin ang ating sarili sa iba pang mga sintomas o pag­babago. Sa pagka­ka­taong ito, ipinapayo natin na magpakon­­sulta agad sa doktor upang matukoy ang pinakadahilan ng pag­kahilo, gayundin, upang ma-examine ang pas­yen­te at mabigyan ng karagdagang payo at maresetahan ng gamot kung kinakailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page