top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Habang nagbibilangan | TRANSFORMER NG MUNISIPYO PINAGBABARIL

  • Jeff Tumbado
  • May 18, 2019
  • 1 min read

PINUNTIRYA ng armadong grupo ang transformer ng munisipyo ng Dimataling, Zamboanga del Sur, dahilan para mabulabog at pansamantalang natigil ang bilangan ng boto nitong gabi ng Huwebes.

Ayon kay Police Major Helen Galvez, naantala ang canvassing sa loob ng Dimataling Municipal Hall sa Purok 5, Bgy. Kagawasan.

Alas-7:00 ng gabi nang atakihin ng armadong grupo ang munisipyo at pagbabarilin ang transformer nito na siyang dahilan ng pagkakaroon ng sandaling brownout sa lugar, gayundin ang pagpa-panic ng mga taong nasa paligid at loob ng munisipyo.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Bgy. Sugbay Uno.

Narekober sa lugar ang 23 basyo ng bala at isang pares ng sapatos.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang nasabing grupo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page