top of page
Pokwang.jpg

Bitay, ‘di pa napapanahon — PNP

Jeff Tumbado
May 18, 2019
1 min read

NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa napapanahon para ipatupad ang death penalty.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, kasabay ng paliwanag na ang posisyon ng PNP ay dapat munang masiguro na may mga malinaw na patakaran para hindi maabuso ang death penalty.

Dapat aniyang mapag-aralan munang mabuti kung magiging epektibo ang naturang kaparusahan sa kampanya kontra kriminalidad.

Gayunman, sinabi ni Banac na handa rin ang PNP na suportahan ito, lalo na para sa mga kasong may kinalaman sa droga at karumal-dumal na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page