6th PSC WOMEN’S MARTIAL ARTS FESTIVAL, MALAPIT NA

SA mas malaking hangarin na maisama ang Pinoy women sa sports, ilulunsad ng Philippine Sports Commission ang ika-6 na edisyon ng Women’s Martial Arts Festival sa Mayo 28 - 31 sa Harrison Plaza, Malate, Manila.
“We want to continue what we’ve started in last year’s edition, and that is engaging with more than 1,600 women and children, playing sports and exercising their right to do so,” ayon kay PSC Commissioner Celia Kiram.
Ang martial arts festival ay proyekto ng PSC na suportado ng Republic Act No. 9710, na tinatawag na “Magna Carta of Women”, kung saan patas ang karapatan ng kababaihan na lumahok sa sports.
Kabilang na rito ang pagbabawal sa diskriminasyon sa anumang competitive at non-competitive sports upang mabenepisyuhan ang mga kababaihan sa paglawak ng palakasan.
“For this year, we will be featuring 10 sports namely, arnis, fencing, judo, karatedo, muay thai, pencak silat, taekwondo, wrestling and wushu,” dagdag ni Kiram. Tatalakayin sa mga susunod na pulong at konsultasyon ang 10 sports’ focal person mula sa National Sports Associations ngayong linggo bilang paghahanda sa upcoming event.





Comments