top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tserman at anak-anakan pinagbabaril, bahay sinunog | EX-U.S. MARINE, NALITSON

Jeff Tumbado
May 17, 2019
2 min read

PATAY sa pakikipag­ba­rilan sa pulisya ang isang retiradong U.S. Marine ilang sandali matapos nitong ma­patay ang kanilang barangay captain at kanyang anak-anakan nang mag-amok ito sa Talisay City, Cebu.

Gayunman, bago pa ma­patay ng mga awtoridad ay nagawa munang silaban ng suspek na si Dean Torre­franca ang kanilang bahay sa Bgy. Lawaan Dos, alas-11:00 ng umaga ng Huwebes.

Base sa imbestigasyon, bago ang pag-aamok ni Tor­refranca ay huli itong naki­tang nakikipagtalo sa anak ng kanyang dating asawa na si Jedd Ybañez sa harap ng kanilang bahay.

Hatian umano sa ari-arian, partikular sa bahay at dala­wang sasakyan ang sina­sabing dahilan ng pagtatalo ng dalawa mula nang pu­manaw si Delia Ybañez Tor­refranca, may isang buwan na ang nakalilipas.

Agad umanong puma­gitna ang kapatid ni Ybañez na si Boboy Omana at nag­kasundong pag-usapan na lamang sa barangay hall ang kanilang hindi pinagkaka­una­waan.

Gayunman, mabilis din namang umalis si Torre­franca sa barangay hall dahil nabigo umano ang dalawa sa kasun­duan.

Dito na nagpasya ang kanilang kapitan na si Jim­my Bartilic na samahan ang magkapatid para magtungo sa kanilang bahay at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-uusap subalit, laking-gu­lat na lamang nila nang makitang naka-vest si Torre­franca at may hawak na ba­ril.

Tumakbo palabas ng bahay sina Bartilic at Ybañez subalit, hinabol sila ng sus­pek hanggang sa labas at doon sila pinagbabaril nito.

Matapos ang pamamaril ay bumalik umano si Torre­franca sa bahay at doon nag­kulong hanggang sa rumes­ponde ang pulisya sa pang­yayari.

Nagkaroon umano ng maikling negosasyon para sa pagsuko ni Torrefranca su­balit, maging ang mga pulis ay pinagbabaril nito.

Nagkaroon na umano ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig hang­gang silaban ni Torre­franca ang bahay nito.

Narekober ng pulisya ang sunog na bangkay ni Tor­refranca matapos ang isang oras na shootout.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page