SPIKER’S TURF, MAY MEN’S DIVISION NA
- Clyde Mariano
- May 17, 2019
- 1 min read

SA hangad na mabigyan ng sapat na atensiyon at bigyang pagkakataon ang mga manlalarong lalake na ipakita ang kanilang galing sa volleyball ay sumosyo sila sa limelight ng kanilang female counterparts sa bagong ligang Spikers’ Turf men and women volleyball tournament na aarangkada sa Mayo 19 sa San Juan Arena.
“We organized the men’s volleyball ostensibly to give our men volleyball players the chance to showcase their skills and share the limelight with their female counterparts,” sabi ni Ricky Palou president of Sports Vision, ang organizer ng bagong liga sa volleyball, sa una niyang pag-guest sa Tabloids Organization in Philippines Sports (TOPS) Usapang Sports sa National Press Club.
Ayon kay Palou, dating PBA player na naglaro sa newly crowned Philippine Cup champion San Miguel Beer, 12 teams ang kasali sa men’s at anim sa women sa nasabing bagong ligang tatagal hanggang Hulyo 14. Kasama sa mga kalahok ay ang Creamline, BanKo-Perlas, Motolite, PetroGazz, Balipure at Pacifictan Army.
Sinabi ni Palou na inorganisa niya ang men’s volleyball upang mabigyan ng pagkakataong makakuha ng magagaling na players na makapaglalaro sa Southeast Asian Games na gagawin sa ‘Pinas. Ipinangako ni Palou na ang men’s volleyball ay mananatili sa kalendaryo ng Sports Vision at ayon sa kanya ay magiging matatag dahil maraming tumutulong na mga kilalang tao sa proyekto.
Ang torneo ay idaraos ng tatlong beses sa isang linggo, Miyerkules, Sabado at Linggo na tatagal ng dalawang buwan at pangangasiwaan ni dating national player Mozzy Ravena bilang tournament director. Si Ravena ay asawa ni dating PBA player at Talk ‘N Text coach Ferdinand “Bong” Ravena at ina nina Kiefer at Thirdy.





Comments