Sekyu tinodas sa trabaho

DEDBOL ang security guard matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kanyang pinapasukang trabaho sa Bgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Batay sa initial report, alas-10:55 ng gabi habang naka-duty sa Riomonte Nuvali ang biktimang si Hilario Talaman, kasama ang kanyang katrabaho nang pasukin ng armadong lalaki na naka-maskara.
Agad siyang pinagbabaril sa katawan na ikinasawi nito.
Samantala, wala pang malinaw na motibo at pagkakakilanlan ng salarin.





Comments