Rider dedo, 2 pa sugatan sa aksidente
SORSOGON—Isang rider ang namatay at sugatan ang dalawa pang katao nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Cumadcad, Castilla sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Merwin Marmol, samantalang, ang mga sugatan ay sina Resto Lozano at Jose Marticio, pawang residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Marmol at motorsiklong minamaneho ni Lozano, habang kaangkas si Marticio kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa naturang lugar.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Marmol.





Comments