top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Napakalaking dagok sa LP at mga komunista | P-Duterte, dahilan ng pagkatalo ng mga kandidatong dilaw

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2019
2 min read

HINDI lang sa halalan para sa Senado inilampaso ang mga dilawan at pulahan. Sa House of Representatives at lokal na pa­mahalaan, iilan lang ang naipanalo nila.

Napakalaking dagok nito para sa kanila dahil sinipa sila ng taumbayan.

Sa Senado, alanganin ang mga kan­­didato ng dilawan na ang mga pangalan ay “simbolo” pa naman nila, sina Bam Aquino at Mar Roxas.

Samantala, ang kandidato ng mga pulahan na si Neri Colmenares ay pang-23 lang ang ranggo.

Natalo pa ng mga bagong kandidato tulad nina Doc Willie Ong, Jiggy Mani­cad at Dong Mangudadato.

Mahigit 2 milyong boto lang ang na­kuha ni Colmenares, samantalang, bu­ong NPA ay suportado siya at sinabi­han ang masa na nasa lugar na kontrolado nila na siya ang dapat iboto dahil kung hindi ay alam na.

Sa House of Representatives naman, 18 ang naipanalo ng mga dilawan sa mahigit na 200 puwesto na pinagtalunan.

Walo lang ang naipanalo ng LP na gobernador sa 80 probinsiya. Sa eleksi­yon para sa partylist, malaki ang bagsak ng mga boto para sa mga pulahan.

Halimbawa, ang boto para sa Gabriela ay bumagsak mula 1.4 milyon noong 2016 sa 440,000 lang ngayong katatapos na halalan. Ang boto naman para sa ACT Tea­chers ay bumagsak din mula 1,180,752 votes sa 390,000 na lang.

Maraming hindi bumoto sa mga prente ng komunistang ito dahil ang eleksiyon lang ang naglunsad ng pang-impormasyong kampanya ng militar at iba pang grupo na mapabatid sa ka­ba­bayan natin na ang mga partylist na sa totoo lang ay prente ng mga komu­nista.

Ang pondo raw na nakukuha ng mga ito ay napupunta lang sa NPA na hangad ay mapabagsak ang gobyernong demok­ratiko.

Ang pinakamalaking dahilan sa pag­katalo ng mga dilawan at pulahan ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Malaki ang tiwala ng taumbayan sa kanya kung sino ang iboboto sapagkat nagalit ang mga Pinoy sa mga dilawan at pulahan dahil sa walang tigil ang pam­babatikos sa kanya tulad na lamang sa pilit nilang pinararatangan na ang kam­panya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga ay walang mabuting kahihinat­nan at napatay lang ang mga inosenteng mamamayan.

Taliwas ito sa aktuwal na nakikita ng mga tao sa mga barangay nila kung saan halos maubos at mawala na ang mga adik at nagtutulak ng iligal na droga.

Isipin ninyo, ngayon lang natin na­la­man na ang naglalako ng taho sa aming lugar ay suma-sideline pala sa pagbe­benta ng iligal na droga. Ayon sa ulat, ma­­tagal na niya itong ginagawa at pina­babayaan lang umano ng mga pulis.

Noong pumasok si Pangulong Duterte, sumunod sila sa mga utos nitong linisin ang bayan kung saan ang mga kaila­ngang hulihin ay ang mga mapatutuna­yang tulak ng iligal na droga kaya naman kulong si Manong Magtataho at nawala na ang mga adik.

Kung iisipin nating mabuti ang sit­was­yon, kapag ang isang tao ay panay insulto sa kaibigan mo o sa isang taong bilib ka, magagalit ka sa kanya, hindi ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page