Motor bumangga sa jeep rider dedo
- Levi Gonzales
- May 17, 2019
- 1 min read

TODAS ang rider ng motorsiklo makaraang bumangga sa nakaparadang jeepney sa Bgy. Tuhian, Catanauan, Quezon.
Alas-9:25 ng gabi, binabagtas ng rider na si Marwin Magsino, 23, ang nasabing lugar nang hindi nito napansin ang nakaparadang jeep.
Dahil sa tulin at dilim sa lugar, maaaring hindi na ito nakaiwas hanggang sa tuluyang sumalpok ang unahang bahagi ng kanyang motor sa jeep.
Nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan na ikinasawi nito.





Comments