Most wanted pumalag dedbol
Pabs Hernandez III
May 17, 2019
1 min read
SULTAN KUDARAT—Isang most wanted criminal ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Lagubang, Sen. Ninoy Aquino sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Tunga Ulay, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa bisa ng warrant of arrest si Ulay kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kaso, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments