Mga laos na pulitiko, inendorso ng mga laos na artista, nganga!

MGA LAOS NA ARTISTA ANG NAG-ENDORSO SA MGA LAOS NA PULITIKO KAYA ANG RESULTA, TALO SILA—Tinanggap na ng mga “yellow politician” ang kanilang pagkatalo sa nagdaang 2019 Midterm Elections.
Dapat lang talaga nilang tanggapin ang kanilang pagkatalo kasi laos na sila sa politika, ang kinuha pa nilang nag-endorso sa kanilang kandidatura ay mga laos ding artista, boom!
◘◘◘
WINNER ANG MGA ‘MANOK’ NI P-DUTERTE KAYA POSIBLENG MAGING PROVINCE NA NG CHINA ANG PILIPINAS —Lahat ng inendorsong kandidato ni P-Duterte sa pagka-senador ay nanalo.
Si P-Duterte ay kilalang pro-China, madalas niyang sabihin na love niya ang China at dahil winner sa eleksiyon ang mga kandidato niyang mga pro-China rin, malamang, maging daan ito para maging province na ng China ang Philippines, joke-joke-joke!
◘◘◘
IMBES NA SABIHING BAD ANG VOTE-BUYING PARANG INIENDORSO PA — Dahil sa talamak na vote-buying nitong nakalipas na halalan, sinabi ni P-Duterte na part na raw talaga ng eleksiyon ang vote-buying.
Pambihira, imbes na sabihing bad ang vote-buying, parang inendorso pa ito ng pangulo, buwisit!
◘◘◘
TRAPO AT NASA PUWESTO, SIYA PA RAW ANG DINAYA — Nagngangakngak ang talunang si ex-Pasig City Mayor Bobby Eusebio dahil dinaya raw siya ni independent candidate Vico Sotto kaya raw siya natalo sa mayoralty race sa lungsod.
Ganu’n? Hay naku, siya na nga itong trapo (traditional politician) at siya pa ang nasa posisyon tapos sasabihin niyang dinaya raw siya ni Vico na nag-iisang kandidatong lumaban sa buong puwersa ng kanilang partido sa Pasig City, pwe!





Comments