10 yrs. old lasog sa tractor head

DEDO ang 10-anyos na babae makaraang masagasaan ng tractor head sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang Grade 8 pupil na si Ma. Isabel Advincula, ng Bgy. Tangos.
Sa nakarating na ulat kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-5:30 ng hapon, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng R-10, Bgy. North Bay Boulevard South (NBBS) nang mahagip ng Isuzu tractor head na minamaneho ni Martin Fale, 40, ng Quezon City.
Pumailalim ang biktima at nagulungan ang kanyang katawan ng hulihang gulong ng tractor head. Naaresto naman si Fale ng mga rumespondeng tauhan ng Navotas Police Mobile Patrol Unit na sina P/Cpl. Warren Cudal at P/Cpl. Joaquin Yanto III.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Fale sa Navotas City Prosecutor’s Office.





Comments