PINAY BOOTERS, SAMPA SA SEMIS NG ASEAN UNDER 15


LIMANG goals ang binanatan ni Bianca Sy upang pangunahan ang Philippines National Football Team kontra Timor Leste upang sumegunda sa grupo at umabanse sa semifinals ng ASEAN Football Federation U15 Girls Championship.
Tila hindi matinag ang tibay ng mga Pinay nang kabigin ang 12-0 win sa Chonburi, Thailand noong Martes. Bukod sa limang goals ni Sy, umagapay din sa tropa niya sina Jonalyn Lucban at Lanie Ortillo at tig-isang goal din mula kina Chenny Dañoso, Maegan Alforque at Beatrice Luna.
Sinimulan ng team ang kampanya sa bisa ng 2-0 na pagpapadapa sa Vietnam noong Biyernes pero nakabalikwas para sa 5-0 na laban kontra Myanmar. Natapos ang Pilipinas sa group stage hawak ang 6 puntos na may dalawang panalo at isang talo. (MC/ATD)





Comments