top of page

Mga dahilan kaya naka-raranas ng pamumulikat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Varsity player ang aking anak sa kani­lang school. Sa sob­rang hilig niya sa paglalaro ng basketball, kahit summer vacation ngayon ay madalas siyang nasa court para mag-practice. Ang problema, pagkauwi niya o tu­wing gabi ay madalas niyang iniinda ang pagsakit o ang pamu­mulikat ng kanyang mga paa. Nakakaawa siyang tingnan dahil parang hirap na hirap siyang igalaw ito. Dahil ba ito sa sobra niyang pag­lalaro ng basketball? Ano ba ang kadalasang sanhi ng pulikat at ano ang maaari niyang gawin para maiwasan ito? — Melinda

Sagot

Minsan, sa ating buhay, maaaring naka­ramdam tayo ng big­laang paninikip, pani­nigas at matinding pananakit sa ating kalamnan na maaaring sa mga binti, hita o paa. Ang kondisyon ng pamumulikat o muscle cramps ay ang tuluy-tuloy na inboluntaryong pananakit ng mga kalamnan. Nagaganap ito dahil sa muscle spasm at maaaring ma­kaapekto sa kalamnan sa mga hita, binti, paa, kamay, braso at maging sa dibdib at tiyan. Walang makapag­sasabi kung gaano ito magta­tagal, maaaring ilang segundo, minuto lang at minsan ay isang oras o higit pa.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nakararanas ng pamumulikat:

  • Mahinang sirku­l­asyon ng dugo.

  • Pagkapagod ng mga kalamnan.

  • Kakulangan ng tubig sa katawan o dehydration.

  • Kakulangan ng magnesium o potas­sium sa katawan.

  • Sobrang pagkilos o pag-eehersisyo sa ila­lim ng init ng araw.

Hindi sapat na pagba­banat ng kalamnan (stretching) bago ang matinding pagkilos o pag-eehersisyo.

  • Sobrang pagkilos sa isang bahagi ng kalamnan.

Problema sa pag­gana ng nerves na ko­nektado sa mga ka­lam­nan.

Kakulangan ng calcium sa mga inang nagbubuntis.

Gayundin, ang pamu­mu­likat ay maaaring side-effects ng ilang gamot tulad ng donepe­zil, nifedipine, albute­rol at terbutaline, lovas­tatin,­ fluvastatin, ator­vastatin at simvastatin.

May ilang mga hak­bang na madaling gawin sa oras na maramdaman ang pamumulikat at nang maibsan ang pananakit na nararanasan. Una, dapat itigil ang ginaga­wa at magpahinga. Pag­ka­tapos nito ay maaa­ring masahihin, i-stretch, tapalan ng yelo o pahiran ng asin ang bahagi ng katawan na dumaranas ng pamumu­likat.

Mabilis ding mawa­wala ang pananakit ng pulikat sa pag-inom ng mga inuming may electrolytes tulad ng mga sports drink.

Narito ang ilan sa mga dapat isaalang-alang upang maiwa­san ang pamumu­likat:

  • Bago ang matin­ding pagkilos, tiyaking sapat na makapag-stretch muna ang mga kalamnan upang hindi mabigla.

  • Ang warm-up pati na ang cool down bago at matapos ang pag-eehersisyo ay malaki ang maitutu­long upang maiwasan ang hindi inaasahang pamumu­likat ng mga kalamnan.

  • Tiyaking nakainom nang sapat na tubig bago, habang at pagkatapos ng aktibidad. Maiuugnay ang pamumulikat ng mga kalamnan sa kaku­langan ng tubig sa kata­wan kaya marapat lang na iwasang mauhaw.

  • Kung kumilos nang mahabang oras at pinagpapawisan, tiya­king napapalitan ang nawawalang electrolytes sa katawan.

  • Uminom ng mga inuming may electrolytes tulad ng mga sports drink.

  • Iwasang mapagod nang husto, lalo na kung ang panahon ay mainit.

  • Para naman sa mga nagbubuntis, tiyaking hindi nagkukulang sa calcium ang katawan.

  • Maaaring uminom ng mga supplement at ugaliing uminom ng gatas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page