top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

May bitbit na bala at magazine | LALAKI, ARESTADO SA MRT

V. Reyes
May 16, 2019
1 min read

KALABOSO ang lalaking pasakay na sana ng Metro Rail Transit Line 3 makaraang makumpiskahan ng magazine at mga bala sa kanyang bag, Miyerkules ng umaga.

Nakita sa x-ray machine sa North Avenue Station ng MRT 3 ang bag ng suspek na si Don Ray Adina na naglalaman ng magazine ng baril, gayundin ang walong piraso ng bala ng 10mm pistola.

Patungong southbound ng EDSA si Adina nang sitahin ng guwardiya sa istasyon, alas-8:00 ng umaga dahil sa kahina-hinalang mga gamit sa bag nito.

Walang ibinigay na paliwanag ang suspek sa bitbit nitong mga bala at patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya sa insidente.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police sa Shaw Boulevard ang suspek na maaaring maharap sa kasong paglabag sa illegal possession of ammunition.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page