LP, balik sa pagpaplano, hmmm...
- BULGAR

- May 16, 2019
- 1 min read
KATATAPOS lamang ng 2019 Midterm Elections.
May bagong “mandate” si Pangulong Rodrigo Duterte!
◘◘◘
RE-PLANNING at re-programming naman ang Liberal Party (LP).
Esep-esep muna bago kumilos!
◘◘◘
MAY bonggang panalo si Gov. Imee.
Kongrats!
◘◘◘
BIGTIME rin ang iskor nina “Bong” Go, “Bato” dela Rosa at Francis Tolentino.
Nakuha rin sa sipag!
◘◘◘
MABABALASA na rin ang Senate leadership.
Sino ang papalit kay Tito Sen?
◘◘◘
BUBUWELO na rin ang 2022 Presidential Elections.
Nakaumang na sina Davao City Mayor Sara at Sen. Panfilo “Ping” Lacson!
◘◘◘
MARAMING vice-presidentiables.
Kabilang siyempre sina “Bongbong” Marcos, Cynthia Villar at Manny Pacquiao!
◘◘◘
MAGKAKAROON ng rigodon at pormahan sa 2022 Presidential Elections.
Paano aaregluhin ni P-Digong ang kanyang mga kapanalig?
◘◘◘
SA local governments, magulo rin ang set-up.
Kasi maraming maka-Duterte ang natalo!
◘◘◘
AASAHAN ang taghirap.
Balik ang salapi sa mga bangko!
◘◘◘
BUMABA ang presyo ng petrolyo.
Para muling itaas sa mga susunod na araw!





Comments