Lakas-loob tumakbong senador, pero… LITO LAPID, TAKOT NA TAKOT MAG-INGLES, TODO-IWAS MAINTERBYU


DISMAYADO at bigo ang ilang news reporters na ma-interview at makunan ng pahayag ang senator-elect na si Lito Lapid a.k.a. Leon Guerrero at nakilala bilang Pinuno sa Ang Probinsyano.
Labis na ipinagtataka ng media kung bakit takot at todo-iwas si Lito sa media. Ano ang dapat niyang ikatakot sa mga reporters na gusto lang naman siyang ma-interview at mahingan ng pahayag tungkol sa kanyang pagkapanalo? Wala naman siyang isyung kinasasangkutan na dapat sagutin.
Malakas ang hatak ni Lito sa masang Pinoy. Sa mga naunang surveys bago pa ang eleksiyon ay consistent na nasa Top 10 siya. Lagi siyang nasa No. 7 slot, ganu’ng hindi naman siya masyadong nag-ikot at nangampanya at wala rin siya halos TV ads. Ang serye ni Coco na Ang Probinsyano ang naging pasaporte niya upang makabalik muli sa Senado.
Well, hindi sa habampanahon ay iiwas na lang lagi sa media si Lito Lapid. Kung hindi man siya magaling mag-English, pupuwede namang sagutin niya sa Tagalog ang mga katanungan sa kanya ng media.
Ngayon higit na dapat patunayan ni Lapid na may karapatan at kakayahan siyang mahalal na senador.





Comments