top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hamon sa mga bagong halal, pagsilbihan ang taumbayan, hindi ang iilan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2019
1 min read

SA kabila ng mga naiulat na aberya, idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na matagumpay ang 2019 Midterm Elections.

Kaugnay nito, ilang kandidato na ang kumpirmadong nanalo sa iba’t ibang lugar.

May ilang natuwa sa resulta at mayroon ding hindi pero, ang tanong ng taumbayan, may ‘K’ ba ang mga naihalal?

Panibagong termino, panibagong tsansa para patunayan ng mga nanalo na sila ay karapat-dapat maupo sa puwesto.

Sa mga nagdaang taon, hindi natin maikakaila na marami pa rin ang mga proyekto na natengga at ito ang dapat tutukan ng mga bagong lider na naihalal.

Pagsilbihan ang taumbayan at hindi ang iilan, ito ang dapat isaisip at isapuso ng mga uupong lider.

Unahin ang ating bayan kaysa sa pansariling interes upang matupad ang mga ipinangako, gayundin, upang mapatunayan sa nasasakupan na hindi sayang ang kanilang boto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page