top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ginang dedbol sa sunog

Maeng Santos
May 16, 2019
1 min read

ISANG 46-anyos na ginang ang namatay habang sugatan ang isang bumbero sa naganap na sunog sa Caloocan City, kahapon ng madalingaraw.

Ayon kay FO1 Zoren Cabagay, alas-5:44 ng madaling-araw nang madiskubre ang katawan ng biktimang si Alice Simbulan sa nasunog nilang bahay sa 4th Avenue at Nadurata St., Bgy. 49 habang kinilala naman ang nasugatang bumbero na si FO1 Arsis Borja na isinugod sa Caloocan City Medical Center upang magamot ang tinamong sugat.

Sa ulat ni FO1 Cabagay kay Caloocan Fire Marshal Supt. Stephen Requina, alas-3:30 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pagmamay-ari ni Emmanuel San Juan at inuupahan ni Asuncion Rubio.

Mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit na kabahayan na pawang mga gawa sa light materials na naging dahilan upang itaas ng BFP ang sunog sa ikatlong alarma bago idineklarang fireout alas5:42 ng madaling-araw.

Sinabi pa ni FO1 Cabugay na nakalabas na ang biktima sa kanyang nasusunog na bahay subalit, bumalik ito sa loob.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page