Wanted sa rape, tiklo

KALABOSO ang lalaking akusado sa kasong panghahalay sa Las Piñas City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang suspek na si Raul Vedad, 55, ng Las Piñas City, binansagang Top 2 Most Wanted Person.
Inaresto ng Warrant and Subpoena Section at Intelligence Section ng Las Piñas City Police ang suspek sa kanyang bahay, alas-10:30 ng umaga.
Huli si Vedad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 202 Judge Elizabeth Yu-Guray dahil sa kasong panghahalay at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Nasa custodial facility ng pulisya ang suspek habang hinihintay pa ang commitment order nito mula sa korte.





Comments