top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Shoutout sa mga magdyowa riyan na puro bangayan... TIPS PARA MAIWASAN ANG PAG-AAWAY SA RELASYON

  • Ms. Donna
  • May 15, 2019
  • 1 min read

No Problem

SIGAWAN at sakitan, nakasasawa na ang ganitong buhay, kaya para maiwasan ang pag-aaway, alamin ang ilang tips sa pagkakaroon ng masaya at positibong relasyon:

1. BE UNDERSTANDING. Mahalagang maging maintindihan, lalo na kung papasok ka sa relasyon dahil isa ito sa makatutulong para maiwasan ang sumbatan, bangayan at kung anu-ano pang pagtatalo na walang maidudulot na maganda.

2. AVOID CHILDISH ACTIONS. May mga panahon talaga na nagpapabebe tayo, pero kung gusto ninyo ng seryosong relasyon, iwasan ang pagiging isip-bata dahil ito ‘yung nagpapapangit sa relasyon, lalo na kung hindi na katole-tolerate ‘yung inaasal ninyo.

3. STRENGTHEN YOUR PATIENCE. ‘Ika nga, kung ayaw mong mainis, habaan mo na lang ang iyong pasensiya, lalo na kung ‘yung dyowa mo, eh, pasaway at hindi pa nagbabago. ‘Yun lang!

4. LOWER YOUR PRIDE. Ang pride ay hindi dapat pinatataas dahil hindi naman natin ito ikayayaman. Kung ayaw ninyong maghiwalay, matutong magpakumbaba, humingi ng tawad at makinig.

5. COMMUNICATE. Palaging pag-usapan kung ano ang nararamdaman ng bawat isa dahil nang sa gayun ay hindi ninyo ma-misinterpret ang isa’t isa.

6. BE POSITIVE ALWAYS. Kapag palagi kang positibo at nakangiti, mas magiging magaan at maaliwalas ang inyong buhay at relasyon. Dagdag pa rito, gawin ninyong center si Lord sa inyong relasyon para mas maging matibay ito.

Kaya sa mga lodi natin diyan na away na nang away, read n’yo ‘to! Siguradong sa mga tip na ito, eh, panis ‘yang isyu ninyo sa buhay. He-he-he!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page