SHANGHAI NOON, PATOK SA WTA

SA pagpapatuloy ng pagtikada ngayong gabi ng “Additional One Win in Group Races,” pinapatok ang Shanghai Noon sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Kasabay nito, gaganapin ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Race 1, Race 2, Race 3 at Race 4. Sa simula ng Race 1, kasabay ng WTA, nakalalamang ang Jawo habang ang Cost Less ang siyang makalalaban.
Sa Race 2, mahigpit na maglalaban ang mga magkakalahi na Don Mariano, Toy for the Bigboy, The Accountant at Viscerion sa umpisa ng Pick 6.
Sa Race 3, nakalalamang ang Blowby kontra sa Nicole’s Pet at makalalaban ang Ziqqy at Doña Nicasia kasabay ng pagsisimula ng Pick 5 event.
Nakasisiguro sa puntos ang Shanghai Noon habang ang Claudia’s Pride ay panegunda ngunit ang The Whole Truth ay baka makatsamba sa Race 4.
Nakalalamang ang Smokin Saturday at magsisilbing kalaban ang Cabo Negro at Garantisado habang ang Victorious Colt at may tsamba sa Race 5.
Sa Race 6, maglalaban ang Ava’s Tale at Noh Sen Young Yana habang ang Pitong Gatang ay may tsamba. Nakalalamang ang Golden Octagon habang ang Lady Zip ang itinuturing na kalaban sa Race 7.
Tip ni Mang Ding Race 1-Jawo (4) Cost Less (3) Race 2- The Accountant (3) Toy for the Bigboy (2) Don Mariano (1) Race 3- Nicole’s Pet (3) Blowby (4) Doña Nicasia (9) Race 4-Shanghai Noon (3) Claudia’s Pride Race 5- Smokin Saturday (1) Garantisado (3) Race 6- Ava’s Tale (7) Noh Sen Young Yana (2) Race 7-Golden Octagon (6) Noh Sen Young Yana (2)





Comments