Otso Diretso, bokya | DUTERTE MAGIC, EPEKTIB
- Mylene Alfonso
- May 15, 2019
- 1 min read

IGINIIT kahapon ng Malacañang na ang pagkatalo ng mga senatorial candidate ng Otso Diretso ay patunay na nais ng mga Filipino na ituloy ang mga reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binati ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang ‘resounding victory’ o pagkakapasok ng mga pambato ng administrasyon sa Magic 12.
Sinabi ni Panelo na walang duda na iba pa rin ang ‘magic’ ng pangulo.
“Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate have responded to the call of the president to support those whom he said would help pass the laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them comfortable lives they richly deserve”.
Isa rin aniya itong matibay na mensahe ng taumbayan na ipagpatuloy ang mga nasimulang reporma ng administrasyon.
Patunay din aniya na hindi pinapansin ng publiko ang mga negatibong propaganda ng oposisyon laban kay P-Duterte kabilang na ang extrajudicial killings, drug war, South China Sea at iba pa.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Panelo sa mga Filipino dahil sa natanggap na suporta ng mga pambato ng administrasyon.
Nagpasalamat din si Panelo sa Otso Diretso at sa kanilang mga tagasuporta.





Comments