top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

OPRIASA AT RUIZ KIDS, PODIUM SA UNDER-12 OLONGAPO CHESS

Eddie M. Paez, Jr.
May 15, 2019
1 min read

DIKDIKANG labanan ang ipinakita ng mga paslit na disipulo ng ahedres na sina Elijah Josh Opriasa at Wayne Ruiz matapos silang makapagposte ng tig-aanim na panalo at tigatlong tabla upang kunin ang unang da­lawang puwesto mula sa siyam na rounds na bakba­kan sa Under 12 bracket sa Olongapo FIDE Invitational Age Group Chess Tourna­ment sa Olongapo City.

Sa Under 16 na pangkat, nanorpresa si 9th ranked Oryza Reign Repato mata­pos niyang tangayin ang ko­rona dala ang 7.5 puntos pagkatapos ng siyam na yugto.

Samantala, si Jhoemar Mendiogarin, pangalawa sa pre-tournament favorites, ang nakapag-uwi ng titulo sa under 20 na grupo ng tung­galiang ginamitan ng “60 mi­nutes at 30 seconds in­crement” na tuntunin.

Pinuntusan ng 11-taong-gulang na si Opriasa sina Ro­ville Viatrice Ceron (no. 25), King Whisley Puso (no. 13), Jo Mark Manuel (no. 9), Mark Gabriel Usman (no. 5), Elijah Gabriel Santiago (no. 12) at Emmanuel Mike Mendoza (no. 6) bago niya naitakas ang tigka-kalaha­ting puntos nang makaharap niya sina Eowyn Jullado (no. 4), Ruiz (no. 3) at Kaye Lalaine Regidor (no. 2).

Ang kabuuang pito at kalahating puntos, gayundin ang mas mataas na tiebreak points (0.5 at 55.5) ay naging sapat para makaakyat sa trono ang topseed na si Opriasa.

Bridesmaid ang naging papel ni Ruiz, ranked no. 3 at may rating na 1902, dahil sa 7.5 puntos na produksyon at tiebreak na 0.5 at 54.0 puntos sa kompetisyong uma­kit ng 49 musmos na woodpushers. Sina Jullado (7.0 puntos) at Regidor (7.0 puntos) ang umangkin ng pangatlo at pang-apat na upuan ayon sa pagkakasu­nud-sunod samantalang si Daniel Gil Eclevia ay pu­manglima (6.5 puntos).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page