Mga pulis, dapat ilipat ng destino 'pag eleksiyon, period!
- BULGAR

- May 15, 2019
- 1 min read
TULAD ng paulit-ulit nating binabanggit, nasa ika-6 hanggang ika-8 puwesto si Gov. Imee.
Pahiya ang mga dilawan at kaliwa!
*** Malinaw na “pera-pera” ang eleksiyon.
Kailangang ayusin ang Konstitusyon at Election Code!
*** DAPAT banggitin sa Konstitusyon na obligasyon ng Comelec na matigil ang vote-buying upang maipreserba ang demokratikong proseso.
Dapat awtomatikong binubuo ang Anti-Vote-Buying Task Force sa panahon ng campaign period!
*** TUWING eleksiyon, dapat inililipat ng destino ang buong miyembro ng pulisya upang hindi madiktahan ng incumber LGU executives.
Maaaring magamit ang mga pulis sa pangha-harrass ng mga kalaban ng mayor o gobernador!
*** ANG Anti-Vote-Buying Task Force ay dapat kumuha ng order sa hukuman o sa Comelec.
Kapag may reklamo at may ebidensiya, dapat salakayin agad ang mga headquarter ng mga kandidato!
*** ANG mga pangalan ng watcher at campaign staff ay dapat isinusumite sa Anti-Vote-Buying Task Force at Comelec at banggitin kung gaano ang mga allowance.
Kapag wala sa naturang listahan ang mga pangalan ng botante na marerekober, dapat ituring itong “nagbebenta ng boto” o target na bibilhin ang boto.
Dapat ganyang kaespesipiko ang gabay at alituntunin ng Comelec!
*** KAPAG hindi kumilos ang Comelec, mabababoy ang demokratikong proseso at masisira ang diwa ng demokrasya at mismo ang Konstitusyon.
Binabastos ang Konstitusyon tuwing may election at kinukunsinte ito ng Comelec!
*** ANG lahat ng may kaugnayan sa halalan ay dapat responsibilidad ng Comelec.
‘Yan ang itinadhana ng Konstitusyon, pero inutil ang Comelec para gampanan ang esensiya ng Saligang-Batas!





Comments