top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga gurang na kandidato, sopla!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2019
1 min read

MGA KORUP ANG KARAMIHAN SA MGA IBINOTO NG PUBLIKO, ‘ANYARE SA PILIPINAS?—Karamihan sa mga nanalong kandidato sa katatapos lamang na eleksiyon ay mga korup.

‘Anyare sa Pilipinas, bakit ibinoto ng publiko ang mga korup?

Halalan 2019 ba talaga ang naganap na eleksiyon, kamakalawa o “hangalan 2019”? Buwisit!

***

KARISMA NI P-DUTERTE, HINDI UMUBRA SA BALWARTE NI CHAVIT—Kung sa National Election ay nanalo ang mga kandidato ni P-Duterte sa PDP-Laban, sa local election naman ay karamihan sa mga kapartido ng pangulo ay natalo.

Tulad na lamang sa Ilocos Sur, lahat ng kandidato ni P-Duterte ay tinalo ng mga kandidato ng Local Party na “Bileg” ni ex-governor at incoming Narvacan Mayor Chavit Singson.

Ibig sabihin, hindi umubra ang karisma ni P-Duterte sa balwarte ni Chavit, boom!

***

MGA GURANG NA KANDIDATO, IBINABASURA NA NG MGA BOTANTE—Talo sa pagka-senador si ex-Sen. Juan Ponce Enrile, talo sa pagka-congressman ng Makati City si ex-Vice-President Jejomar Binay at talo rin sa pagka-alkalde ng Maynila sina “Erap” Estrada at Alfredo Lim.

Kaya sa susunod na eleksiyon, kung may mga matatandang pulitiko ang naghahangad na kumandidato sa anumang posisyon ay huwag na nilang ituloy, ang pagkatalo nina Enrile, Binay, “Erap” at Lim ay indikasyon na ang mga uugud-ugod na kandidato ay ibinabasura na ng mga botante, period!

***

SA MGA TALUNANG KANDIDATO, BETTER LUCK NEXT TIME—Naiproklama na ang karamihan sa mga nagwaging kandidato sa nakalipas na eleksiyon.

Para sa mga nanalo, congrats! Sa mga natalo naman, better luck next time!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page