Health assistance para sa mga maralitang Pilipino sa resettlement sites, handog ng PCUP
- BULGAR

- May 15, 2019
- 2 min read

ANG pagbibigay-tulong para sa mga maralitang Pilipino sa resettlement sites ay isa sa pangunahing prayoridad ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Kaya naman, maliban sa nabanggit na tulong hinggil sa livelihood trainings at tatlong priority programs sa mga nakaraang isyu ng ating kolum, mayroon ding isinasagawang health assistance ang ating komisyon.
Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Gusto sana naming magkaroon ng medical check-up sa aming resettlement site. Matutulungan ba kami ng PCUP? Salamat! — Junnie ng Bulacan
Sagot
Magandang araw, Junnie! Salamat sa ipinadala mong katanungan. Magandang balita dahil maaari kayong matulungan ng ating komisyon. Magpapadala ang PCUP ng representative upang kilatisin ang angkop na medical assistance na kailangan ng inyong komunidad.
Matapos nito ay isasangguni ang mga indibidwal na nangangailangan ng libreng konsultasyon, pagpapaospital at mga gamot sa ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) o iba pang medical sponsors upang mapabilis ang pagsasagawa ng kinakailangang medical mission ng komunidad.
Hindi lamang dito nagtatapos ang assistance na puwedeng ibigay ng komisyon dahil binibigyan din natin ng importansiya ang pagpapanatili ng de-kalidad na kalusugan sa ating mga komunidad. Nagbibigay din ang PCUP ng trainings at orientations hinggil sa health care delivery ng pamahalaan. Kabilang na rito ang pag-develop ng modules upang sanayin ang urban poor associations tungo sa mas epektibo at organisadong kaayusang pangkalusugan.
Kung kayo ay mayroong katanungan o suhestiyon, maaari kayong mag-email o sumulat sapcup.media2019@gmail.com, sa Official Facebook Page na www.facebook.com/pcupPH at gamitin ang hashtag na #PCUPatyourService. Maaari rin kayong bumisita sa ating tanggapan sa PCUP Office, 4th floor DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.





Comments