Dentist, nadale ng akyat-bahay

NATANGAY ang mahigit P200,000 at mga alahas sa isang senior citizen na nabiktima ng umano’y miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.
Dumulog sa himpilan ng Muntinlupa City Police ang biktimang si Eustacia Soliven, 88, dentist, ng Bgy. Cupang, Muntinlupa City.
Ayon sa ulat, natuklasan ng biktima ang pagnanakaw sa loob ng kanyang bahay, alas-5:30 ng hapon.
Sinasabing pinasok ng hindi pa kilalang suspek ang bahay ng biktima at tinangay ang iba’t ibang uri ng alahas at cash na nagkakahalagang P265,000.
Agad namang ipinabatid ni Soliven ang insidente sa mga awtoridad.





Comments