CYCLIST DORMITORIO, PAKAY ANG 2020 TOKYO OLYMPICS

Photo : fb.com/ariana.dormitorio
MATAPOS ang matagumpay na depensa ng kanyang korona sa Philippine National Mountain Bike Championships, sunod na pakay ni Ariana Dormitorio ang makalahok sa darating na 2020 Tokyo Olympics.
Kung papalarin, siya ang magiging kauna-unahang Pinay na siklista na lalahok sa pinakamalaking palaro sa buong mundo.
Lalaro ang 22-anyos na si Dormitorio sa Asian Mountain Bike Continental Championship ngayong Hulyo 25 hanggang 28 sa Lebanon. Kailangan niyang makamit ang gold medal para masigurado ang tiket patungong Japan.
“This is a crucial year for me and for everything that I worked for since I was 10 years old,” wika ni Dormitorio sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila. “There is a lot of pressure to do well but I am confident that I have a fighting chance.”
Nakalaban niya ang parehong mga lalaro sa Lebanon noong nakaraang Asian Games sa Indonesia.





Comments