Talamak na vote-buying, 'pag napatunayan, nangangamoy 'failure of election'
- BULGAR

- May 14, 2019
- 1 min read
PINOSASAN si Bingbong Crisologo sa akusasyong namimili ng boto sa Kyusi.
Saan bang lugar walang bilihan ng boto?
◘◘◘
Lahat halos ng lugar sa Pilipinas ay may naganap na vote-buying.
Kung mapatutunayan ito, failure election ang 2019!
◘◘◘
SA totoo lang, aktuwal naman talagang failure of election ang halalan sa Pilipinas.
Ang nahahalal kasi ay nabibiyayaan ng “dambuhalang campaign fund”.
Bigo ang Comelec na mapigil ang vote-buying!
◘◘◘
HINDI dahil walang nagreklamo o walang nahuli sa akto ng pagbili at pagbebenta ng boto ay pagpapatunay na walang naganap na vote-buying.
Lantaran ang pamimili ng boto, partikular ng mga “iligalista”!
◘◘◘
BILYONG piso ang gugulin sa political ads.
Kung sino ang pinakamayamang kandidato, siya nang magiging numero-uno.
Tama o mali?
◘◘◘
WALANG silbi ang Konstitusyon, dahil wala itong kakayahan na mapigil ang mismong vote-buying scheme.
Hindi lahat ng batas ay kayang ipatupad, kabilang dito ang election code!
◘◘◘
KAHIT ang labor code ay hindi kayang tanggalin ang contractualization na malinaw na ipinagbabawal.
Bakit nagkakaganito?
Palibhasa, ang mga mambabatas na nahahalal ay karaniwang hindi kuwalipikado dahil nahalal sila gamit ang “vote-buying scheme”!
◘◘◘
SA Quezon City, alam ng lahat kung sino talaga ang gumawa ng “massive vote-buying”, pero sino ang naposasan?
Isa lang ang malinaw, hindi nahuli o hindi lang hinuli ang tunay na gumawa nito!
◘◘◘
MANANATILING malaking isyu ang vote-buying sa Kyusi.
Pagpapatunay ito na napakarumi ng eleksiyon sa Pilipinas!
◘◘◘
ANG kabiguan ng Comelec na maipatupad nang maayos ang batas sa halalan, ang magbubunsod ng kaguluhan.
Higit na malala, maaaring dumanak ang dugo dahil sa hindi patas na pagpapatupad ng batas sa halalan!





Comments