top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Supporters ng magkalabang kandidato nagbatuhan

Jeff Tumbado
May 14, 2019
1 min read

SUMIKLAB ang kagu­luhan sa labas ng polling precincts sa Patucannay Ele­mentary School sa Ban­gued, Abra nang magkagi­rian hanggang sa magbatu­han ang dalawang grupo ng tagasuporta ng magkala­bang kandidato, kahapon ng umaga.

Bahagyang naantala ang pagboto ng mga residente sa lugar dahil sa pangyayari.

Batay sa nakarating na report kay Abra Provincial Police Office Director Lt. Col. Antonio Bartolome, nasa 30 minuto ang tinagal ng komos­yon kung saan nagdulot umano ng pagbagal ng takbo ng trapiko sa lugar.

Humupa lamang ang tensiyon sa lugar ng rumes­ponde na ang mga tauhan ng pulisya at militar.

Sa presinto na dinala ang mga sangkot umano ng gulo kabilang na si Ryan Luna, na kumakandidato bilang alkalde ng lungsod.

Lumalabas sa report na nagkabatuhan ang dalawang grupo matapos umanong magkainitan nang sabihin ni Luna sa mga opisyal ng ba­rangay na bawal tumambay ang mga ito sa polling pre­cinct sa Patucannay Elemen­tary School.

Ipinakita pa umano ni Luna ang resolution mula sa Department of the Inte­rior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga barangay official sa mga polling precinct pero, hindi umano nila ito tinanggap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page