top of page
Pokwang.jpg

Sa kapalpakan ng Comelec at Smartmatic, mga botante hindi na lang bumoto

Writer: BULGAR
BULGAR
May 14, 2019
1 min read

COMELEC AT SMARTMATIC, PALPAK PA RIN—Sa katatapos lamang na 2019 Midterm Elections kahapon, palpak na naman ang Comelec at Smartmatic.

May mga voting machine na hindi gumagana, pumalyang SD (secured digital) cards, sobrang haba ng pila, pagkalito ng mga botante dahil nailipat sa ibang cluster precincts ang kanilang mga pangalan at may mga nawawala ang pangalan.

Sa inis ng ilan sa mga botante sa kapalpakan ng sistema ng Comelec at Smartmatic ay hindi na lang sila bumoto, buwisit!

◘◘◘

MGA NANALO DAHIL SA VOTE-BUYING AT MGA NATALONG DINAYA—Tapos na ang eleksiyon. May mga nanalo at siyempre may mga natalo.

Karamihan sa mga nanalo ay mga kandidatong namili ng boto at ang mga natalo naman, ang sigaw ay dinaya raw sila.

Ganyan ang uri ng mga pulitiko sa Pilipinas, mga nanalo sa vote-buying at mga talunang nadaya raw sila, boom!

◘◘◘

IMBES NA IANGAT ANG MGA MANGGAGAWANG PI­NOY, IDINA-DOWN PA — Sa kanyang speech sa Davao City, sinabi ni P-Duterte na mas magaling daw sa work ethics ang mga Chinese kaysa sa mga manggagawang Pinoy.

Pambihira, bilang pangulo ng bansa, dapat iniangat niya sa mundo ang mga manggagawang Pinoy, pero ang ginagawa niya ay idina-down pa, buwisit!

◘◘◘

RAKET SA MGA LUGAR NA PINAGWAGIAN NG MGA ILIGALISTANG KANDIDATO, MAMAMAYAGPAG—May mga kandidatong suspected drug lord, gambling lord at illegal logger ang nagwagi sa halalan sa ilang bayan.

Expected na ‘yan, dahil marami silang pambili ng boto.

Dahil winner sila, asahan nang lalong mamamayagpag ang kanilang raket sa mga lugar na kanilang nasasakupan, hu-hu-hu!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page