Pinaboto muna bago pinatay

ISANG konsehal ng barangay ang binaril at napatay ilang sandali lamang matapos bumoto sa Clarin, Misamis Oriental.
Napag-alamang kalalabas lamang ng polling center ng Poblacion Uno Elementary School matapos bumoto ang biktima na nakilalang si Kagawad Rick Isidro Moreno nang isagawa ang asasinasyon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na si Moreno nang ito ay sundan at malapitang barilin sa ulo ng umano’y nag-iisang salarin bago mag-alas-9:00 ng umaga.
Agad isinugod sa ospital si Moreno pero, idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy naman ang pagtukoy ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen.





Comments