P1.25 bawas-presyo sa gas

MULING nagpatupad ng bawas-presyo sa ilang produktong petrolyo.
Inianunsiyo ang pagpapatupad ng oil price rollback ng Pilipinas Shell, Petro Gazz, Petron Corporation, PTT Philippines at Total na P1.25 kada litro ng gasolina at P0.30 kada litro sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Nauna nang nagpatupad ng bawas-presyo ang Pheonix, Eastern Petroleum at SeaOil na kahalintulad sa mga nabatid na halaga na epektibo kamakalawa ng umaga.
Matatandaang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price rollback na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.80 kada litro sa diesel at P0.80 kada litro sa kerosene.





Comments