top of page
Pokwang.jpg

JOPSON, UNANG PINAY NA TUMAHAK AT NAGWAGI SA ARCTIC MARATHON

Writer: BULGAR
BULGAR
May 14, 2019
1 min read

MULI na namang nagtala sa kasaysayan ng sports marathon ang isang Pinay at naitala pa sa mapa ang kanyang naging tagumpay.

Maituturing na isang global victory bilang elite triathlete kay Joyette Jopson ang kanyang sinuong na matinding pagsubok nang kanyang matapang na tahakin ang malupet na 42-kilometer FWD 78° North Marathon na idinaos malapit sa North Pole noong Abril 16.

Si Jopson ang unang naging Pinay na tumakbo ng marathon sa Arctic, matibay ang loob na tinakbo ang nagyeyelong paligid na may zero degrees na temperatura sa kahabaan ng Longyearbyen sa Svalbard, bahagi ng Norwegian archipelago sa Arctic Ocean, may 1,050 kilometro ang layo mula sa North Pole.

Nakumpleto ng 2014 Ironman 70.3 Philippines Filipino elite champion at FWD financial wealth officer ang karera na naorasan ng 4:10:59 upang makuha ang first-place finish sa women’s category at maging third overall. Si Jopson ang tanging kinatawan ng Pilipinas sa marathon na sinalihan din ng FWD Team Asia runners mula sa Hong Kong, Singapore, Japan, Vietnam at Thailand. “We ran on a mix of ice and roads covered with ice, which was very slippery. I learned that you can overheat even in cold races so I had to take out a layer on top and bottom because I got uncomfortable after 10 kilometers. After the race, it took me more than an hour to warm up because it was really freezing.”

Bahagi ng kanyang training ay nang isailalim siya sa ensayo ng mga atletang sina Romi Garduce, Margielyn Didal at Carmela Pearson na may malaking bahagi sa kanyang paglalakbay sa norte. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page